Maulan nanaman.
Ito na yata yung tinatawag nilang "rainy season"
Hindi ko din maisip kung bakit hindi ako nawawalan ng blog entry tungkol sa ulan.
Lagi akong maraming reklamo sa ulan.
Sabagay nga naman kasi eh lumaki akong madalas makaranas ng epekto ng malakas na pag-ulan.
Noong bata pa lang kasi ako eh maliit pa lang ang bahay namen, at nasa normal na lebel lang ng kalsada. Sa dulo naman ng street namen eh nakakonekta ang creek na tinatawag namin na "Ilog Bandong".
NOTE: Ang pangalang Ilog Bandong ay nagsimula mula sa aming nanay. Nasa tabi kasi ng creek o ng "ilog" ang pinakasikat na gawaan ng coco jam sa aming lugar na pagmamay-ari ng pamilyang Bandong. Ang lahat ng kalat na nagmumula sa Bandong Coco Jam factory (tulad ng panis na sapal ng niyog) ay derecho na sa creek. At ang creek din na ito ang paborito naming pagtapunan ng mga namatay naming aso at pusa (dahil wala kaming bakanteng lote para maging pet cemetery).
Maiging nakabalot sa dyaryo at plastik ang mga nangamatay na miyembro ng pamilya na either namatay sa sakit or nasagasaan. At sigurado akong pasado sa quality assurance ang pagbabalot ng nanay ko dahil parang mamatay pa ulit ang patay na alaga sa sobrang higpit at airtight sealing ng supot na pinagbabalutan.
Nakakalungkot lang isipin minsan na parehong technique ang ginagamit niya sa pagbabalot ng aking baon sa eskwela. Naalala ko tuloy sila Whitey at Robin.
Anyway, gaya nga ng sinabi ko eh malas akong makaranas ng epekto ng malakas na ulan. At isa na dito ang pagbabaha.
Oo nga at nakatira kame sa isang private village, pero anak ng lumot naman, ang street namen ay parang isang malaking canal na nagpa-funnel ng tubig mula kabilang village papunta sa Ilog Bandong. Siya ang nag-iisang exit ng tubig mula sa creek sa kabilang village papunta sa Ilog Bandong.
Madalas mangyare yun nung hindi pa "upgraded" ang bahay namen. Sa madaling araw eh sobrang lakas ng bagyo na parang ikaw na ang susunod na Dorothy at matatangay na din ang bahay mo. Mga dalawang oras lang ng walang tigil na ulan eh katumbas na agad ng hanggang tuhod na lebel ng tubig sa loob ng bahay.
Minsan nga kapag malas ka pa eh magigising ka na lang na nakalutang na parang isang plane crash survivor sa gitna ng dagat. Minsan nga eh nagising ako na basang-basa ang ulo ko nung nakahiga ako sa yantok na upuan. Yun pala eh umabot na ang baha sa hinihigaan ko.
Noon ding pagkakataong iyon ko naranasan ang pait at pighati kapag nalaman mong hindi pala nailigtas ng mga kasambahay mo ang Playstation mo sa ilalim ng t.v. Parang gusto ko na lang magpakalunod sa tubig baha pagkatapos kong kapain ang ilalim ng lamesa ng t.v. at makuha ko ang adapter ng Playstation.
Buti na lang at napigilan ako ng nanay ko na inumin ang sangkabahaan sa bahay. Nailigtas naman pala ang Playstation at adapter lang ang nabasa.
Kung alam lang namen na binabaha ang lugar, sana pala eh nagpundar kame sa mga plastic at glass furnitures para walang problemang mabasa ito ng tubig. At sana din eh nagpundar kame ng mga styrofoam na banig at kutchon. Hindi man ito kasing komportable eh safe ka naman sa pagkalunod habang tulog.
Kung hindi lang siguro iisipin ng mga tao na wirdo kame eh binalot na namen ang lahat ng kagamitan sa plastik para hindi mabasa. Pero sino ba naman ang gustong manood sa t.v. na nahaharangan ng plastik ang screen?
Kulay brown ang tubig-baha na pumapasok sa bahay namen. Yun na lang ang bonus dun, yung hindi kulay itim na parang katas ng pusit at kasing baho ng pinagsama-samang fecal matters ng mga kapitbahay. Maatim mo pang ilubog ang paa mo kasi hindi pa ito ganoon karumi para ipa-amputate mo ang paa mo pagkatapos. Para kang nakatapak sa iced-coffee with cream.
Pag minsan eh naabutan pa namin ang baha. Nakakapaglimas pa kame, nasasalpakan pa namen ng mga sako ng buhangin ang mga pinto at pati na din ang drainage ng banyo na parang bulkan kapag bumulwak.
Mahirap kapag binabaha ang buong bahay. Isipin mo, kapag tatae ka eh hindi mo mai-flush kasi for sure eh hindi ito lulubog at malamang eh makita mo itong lulutang-lutang sa sala o kwarto nyo. Dapat marunong kang tumae sa plastik o arinola para ka makaraos. Tapos ipapatangay mo na lang sa baha.
One time, nung tumae ako sa plastic, napalakas ang bato ko ng supot. Sa pader ng kabilang street sumabit at nabutas ang plastic. Buti na lang at bakanteng lote yun at malakas ang ulan. Natangay na ng agos ang mga mangga, sinigang na baboy, at chicharon.
Kaso lang, hindi na din nagbabaha dito. Simula nung tumaas ang bahay, hindi na bumaha. Feeling ko tuloy eh may kuneksyon ang pagbaha sa lebel ng bahay namen.
Siguro nung naghukay yung mga karpintero namen, nabutas nila yung drainage papunta sa ibang parte ng Pilipinas kaya tuloy dun na napupunta yung pagbabaha imbes na dito samen.
Sa kanila tuloy nagkakaflashfloods.
Lagi na lang umuulan. Parang walang katapusan.
Puta, pangit ng themesong.
Ito na yata yung tinatawag nilang "rainy season"
Hindi ko din maisip kung bakit hindi ako nawawalan ng blog entry tungkol sa ulan.
Lagi akong maraming reklamo sa ulan.
Sabagay nga naman kasi eh lumaki akong madalas makaranas ng epekto ng malakas na pag-ulan.
Noong bata pa lang kasi ako eh maliit pa lang ang bahay namen, at nasa normal na lebel lang ng kalsada. Sa dulo naman ng street namen eh nakakonekta ang creek na tinatawag namin na "Ilog Bandong".
NOTE: Ang pangalang Ilog Bandong ay nagsimula mula sa aming nanay. Nasa tabi kasi ng creek o ng "ilog" ang pinakasikat na gawaan ng coco jam sa aming lugar na pagmamay-ari ng pamilyang Bandong. Ang lahat ng kalat na nagmumula sa Bandong Coco Jam factory (tulad ng panis na sapal ng niyog) ay derecho na sa creek. At ang creek din na ito ang paborito naming pagtapunan ng mga namatay naming aso at pusa (dahil wala kaming bakanteng lote para maging pet cemetery).
Maiging nakabalot sa dyaryo at plastik ang mga nangamatay na miyembro ng pamilya na either namatay sa sakit or nasagasaan. At sigurado akong pasado sa quality assurance ang pagbabalot ng nanay ko dahil parang mamatay pa ulit ang patay na alaga sa sobrang higpit at airtight sealing ng supot na pinagbabalutan.
Nakakalungkot lang isipin minsan na parehong technique ang ginagamit niya sa pagbabalot ng aking baon sa eskwela. Naalala ko tuloy sila Whitey at Robin.
ULANULANULANULANULANULANULANULANULANULANULANULAN
Anyway, gaya nga ng sinabi ko eh malas akong makaranas ng epekto ng malakas na ulan. At isa na dito ang pagbabaha.
Oo nga at nakatira kame sa isang private village, pero anak ng lumot naman, ang street namen ay parang isang malaking canal na nagpa-funnel ng tubig mula kabilang village papunta sa Ilog Bandong. Siya ang nag-iisang exit ng tubig mula sa creek sa kabilang village papunta sa Ilog Bandong.
Madalas mangyare yun nung hindi pa "upgraded" ang bahay namen. Sa madaling araw eh sobrang lakas ng bagyo na parang ikaw na ang susunod na Dorothy at matatangay na din ang bahay mo. Mga dalawang oras lang ng walang tigil na ulan eh katumbas na agad ng hanggang tuhod na lebel ng tubig sa loob ng bahay.
Minsan nga kapag malas ka pa eh magigising ka na lang na nakalutang na parang isang plane crash survivor sa gitna ng dagat. Minsan nga eh nagising ako na basang-basa ang ulo ko nung nakahiga ako sa yantok na upuan. Yun pala eh umabot na ang baha sa hinihigaan ko.
Noon ding pagkakataong iyon ko naranasan ang pait at pighati kapag nalaman mong hindi pala nailigtas ng mga kasambahay mo ang Playstation mo sa ilalim ng t.v. Parang gusto ko na lang magpakalunod sa tubig baha pagkatapos kong kapain ang ilalim ng lamesa ng t.v. at makuha ko ang adapter ng Playstation.
Buti na lang at napigilan ako ng nanay ko na inumin ang sangkabahaan sa bahay. Nailigtas naman pala ang Playstation at adapter lang ang nabasa.
Kung alam lang namen na binabaha ang lugar, sana pala eh nagpundar kame sa mga plastic at glass furnitures para walang problemang mabasa ito ng tubig. At sana din eh nagpundar kame ng mga styrofoam na banig at kutchon. Hindi man ito kasing komportable eh safe ka naman sa pagkalunod habang tulog.
Kung hindi lang siguro iisipin ng mga tao na wirdo kame eh binalot na namen ang lahat ng kagamitan sa plastik para hindi mabasa. Pero sino ba naman ang gustong manood sa t.v. na nahaharangan ng plastik ang screen?
ULANULANULANULANULANULANULANULANULANULANULANULAN
Kulay brown ang tubig-baha na pumapasok sa bahay namen. Yun na lang ang bonus dun, yung hindi kulay itim na parang katas ng pusit at kasing baho ng pinagsama-samang fecal matters ng mga kapitbahay. Maatim mo pang ilubog ang paa mo kasi hindi pa ito ganoon karumi para ipa-amputate mo ang paa mo pagkatapos. Para kang nakatapak sa iced-coffee with cream.
Pag minsan eh naabutan pa namin ang baha. Nakakapaglimas pa kame, nasasalpakan pa namen ng mga sako ng buhangin ang mga pinto at pati na din ang drainage ng banyo na parang bulkan kapag bumulwak.
Mahirap kapag binabaha ang buong bahay. Isipin mo, kapag tatae ka eh hindi mo mai-flush kasi for sure eh hindi ito lulubog at malamang eh makita mo itong lulutang-lutang sa sala o kwarto nyo. Dapat marunong kang tumae sa plastik o arinola para ka makaraos. Tapos ipapatangay mo na lang sa baha.
One time, nung tumae ako sa plastic, napalakas ang bato ko ng supot. Sa pader ng kabilang street sumabit at nabutas ang plastic. Buti na lang at bakanteng lote yun at malakas ang ulan. Natangay na ng agos ang mga mangga, sinigang na baboy, at chicharon.
ULANULANULANULANULANULANULANULANULANULANULANULAN
Mahirap talaga kapag pinapasok ang bahay niyo ng tubig. Bukod sa hindi mo alam kung anong pwedeng laman ng tubig pag pumasok ito sa bahay nyo [pwera sa sakit syempre], eh ikaw lang ang hindi makakaranas ng kuryente for some time.
Kasi syempre kahit hindi brownout, hindi pwedeng magkaroon ng kuryente sa bahay, unless gusto namen lahat maging tustado ang balat namen. Syempre ang outlet ng kuryente ay abot ng tubig, at isa itong conductor ng kuryente.
Maghihintay ka pa tuloy ng ilang linggo para matuyo ang socket ng kuryente at magtitiis ka na hindi makalaro ng Playstation. Nakakahiya din naman na makisaksak sa kapitbahay namen na nauna nang magpataas ng bahay. At ayoko din naman na pumutok ang mga saksakan sa bahay dahil lang sa hindi ako makatiis na hindi maglaro ng Tomb Raider. Sa kabutihang-palad eh natiis ko ng maging uncivilized sa loob ng ilang linggo.

Ngayon eh mataas na din ang bahay namen. Wala nang problema sa baha. Pinataasan na ni erpats para daw pwede nang mangisda ng mga tinangay na kung ano-ano mula sa bintana. Baka daw may inanod na artista eh pwedeng bingwitin na lang namen.Kaso lang, hindi na din nagbabaha dito. Simula nung tumaas ang bahay, hindi na bumaha. Feeling ko tuloy eh may kuneksyon ang pagbaha sa lebel ng bahay namen.
Siguro nung naghukay yung mga karpintero namen, nabutas nila yung drainage papunta sa ibang parte ng Pilipinas kaya tuloy dun na napupunta yung pagbabaha imbes na dito samen.
Sa kanila tuloy nagkakaflashfloods.
Lagi na lang umuulan. Parang walang katapusan.
Puta, pangit ng themesong.
4 comments:
ang masaklap.. maaring nailigtas ang playstation mo.. pero walang mga cd at controllers at memcards na nasagip..>.<
kung napanood mo un news kagabi dito kabilang baranggay namin baha hanggang dibdib.. oha pwedeng lagpas ulo pag nasakto ka sa butas na manhole
Potek, ayoko ng ganyang baha! Baka kung ano na ang nasa ilalim ng tubig! So scary!!!
oo sobrang scary.. one time may nakita pa akong daga at pusa..oo pusa.. naghahabulan sa baha.. sama mo na ang palaka XD
Madami din akong nakikitang ganyan.
Dati sa loob ng bahay may nakita pang ahas. Yung maliit, yung parang bulate lang. Ginupit ko ng gunting.
Post a Comment