Friday, August 3, 2007

Hey There, I'm Oscar. Let's Go And Die!

I was surfing through the net a couple of weeks ago, searching for that Brian Zembric guy [the guy who "installed" silicon boobs on his chest for a bet], and I found an interesting cat on one of the pages of Ripleys.com.


This morning I came across Jessica Zafra's blog and I found the same article.

Let's just say that I'm a bit envious of the article, so I decided to make one as well! Ahehe!


The cat's name is Oscar.

Now this cat seems like just a normal cat. Of course, he is.

"Garfield was never really that orangey"


Oscar was living a normal life fit for cats. And probably on his free time, he let's the staff of Steere House Nursing and Rehabilitation Centre in Providence know who's gonna die next.

Yeah, that's correct. This cat has correctly predicted the death of more than 25 patients in the said institute.

Talk about angels of death. In this case, it's a cat of death. Death in one of its cutest form.

This cat's got more sensitized sense of smell than a dog.

That makes me wonder how death smells like. Does it smell like a rat? A fish? Most probably fish, or fish gills.

Oscar is said to lie down together with those patients who only have hours left in their lives. He doesn't seem to have interest to those whose health is not so good and to those whose got few more days to live.


What a revolutionary way of death-detection!

CATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCAT


Akalain mo nga naman na magkaroon ng ganoong pusa. Parang gusto ko tuloy mag-breed ng Death-Detecting Cats.

Kung magkakaroon man ng world tour ang pusang ito eh gagawan ko na ng paraan para makakuha ako ng sperm sample sa kanya para lang makapag-breed ng kagaya niya.

Makakatulong ako sa mga pasyente na kailangan nang makausap yung mga pamilya nila bago pa man sila sumakabilang-buhay.

Pero may iba pa akong plano kung sakali mang magkaroon ako ng ganitong klase ng pusa.

Siguro eh ganito ang mga gagawin ko:

1. Takutin ang mga kaaway [o kaya ang maangas mong boss] sa pamamagitan ng pagdadala ng pusang ito sa kanyang lugar. Mas mainam kung pagulungin sa bulok na karne ang alaga mo para talagang mag-amoy patay ang lugar.

2. I-train mong maigi ang pusa na lumapit sa matanda at mayaman mong kamag-anak at sabihin mong hindi ito aalis hanggang hindi ka pinamamanahan ng malaking halaga. Wala na ding magagawa ang kamag-anak mo dahil within hours na lang ang itatagal nila kaya siguradong susunod na din agad sila.

3. Dadalhin ko sa pag-aaplayan ko ng trabaho at ipapatong ko sa mesa ang pusa bago pa man ako magsimulang mag-apply. Paniguradong tanggap na ako nito.

4. Dahil maaga mong mape-predict ang kamatayan ng isang tao, pwede kang bumuo ng isang grupo ng crying ladies at mag-offer ng business deal sa mga chinese patients na "Cry now, pay later". Sakto yun, di pa man patay ang pasyente eh iniiyakan na siya. Baka maumpog pa yun sa bubong ng langit sa sobrang advance ng pag-aalay ng iyak. Same thing applies para sa pag-offer ng funeral plans.

5. Kung pagod na ako sa buhay ko, makikipagtitigan na lang ako sa pusa ko buong araw.


CATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCAT

Naalala ko naman yung isang storya na may kinalaman sa pusa. Ito yung propesor na alamat sa Mapua na hanggang ngayon eh buhay pa ang kanyang kwento.

Eto yung propesor na sobrang talino, at sobrang wirdo din.

How weird?

Nagsusuot daw siya ng gulay sabi nung instructor ko na naging under dun sa maalamat na propesor.

Tuwing brownout pa daw sa school eh bring your own candle imbes na suspendihin ang klase.

May time daw na nagtago siya sa ilalim ng lamesa para akalain ng buong klase na wala siya at hindi na sila pumasok. Absent ang buong klase dahil andun daw siya sa classroom nung time na yun.

Naglalakad ng patalikod kapag bumababa ng hagdanan, dahil one way daw yung hagdan at tinatamad na siyang umikot.

Ngayon, itong professor na ito eh sobrang talino naman dahil everytime na magkakaroon ng evaluation exam para sa mga instructors, eh tinutulugan niya lang ito. 10 minutes bago ipasa ang papel, gigising siya saka niya sasagutan ang papel, tapos magmamali lang ata ng isa kasi daw 'nobody is perfect'. What a shitty reason.

Kasama pa daw sa Top 100 most intelligent people ng Asia ang prof na ito.


Bakit ko siya nakwento sa kwentong pusa? Kasi meron siyang bitbit na kuting sa klase kapag daw may exam.

At ang lapitan daw ng pusang iyon ay paniguradong bagsak na dahil may kakayanan daw ang mga pusa na makakita ng bad spirits.

Kaya nga daw laging sinisipa palayo ng mga instructors namen ang kuting na yun papalayo sa kanila.

CATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCAT

Since uso na din ang genetic engineering at mutated cross-breeding ng mga hayop, bakit hindi kaya natin subukang magcross-breed ng bomb-sniffing dog at death-detecting cat?

At kung sakali mang makakapag-breed ako ng pusa sa mga bomb-sniffing dogs, meron akong isang ultimate anti-disaster na alaga!!!

Isipin mo na lang kung meron kang ganitong cross-breed na alaga -- sa isang iglap, mape-predict mo ang bilang at identity ng mga tao na pwedeng mamatay , sa sasabog na bomba na naamoy din ng alaga mo.
Astig!

O kaya naman eh malalaman mo kung gaano na lang ang itatagal ng tao na nahulihan ng droga.

Bakit ba naman kasi pusa pa ang napuntahan ng ganitong powers. Nakakatakot na tuloy mag-alaga ng pusa ngayon.

Mas gusto ko na lang tuloy mag-alaga ng dagang nagluluto kesa sa pusang nagsasabing mamatay ka na.

"Matapos ang Bananas in Pyjamas, naging performer na lang si Dodi sa perya"

6 comments:

yunisee said...

oscar = furry angel of death = cute! XD

hahahaha bring your own candles? ngayon ko lang narinig ang account na yun ha! XD

ang lakas din ng trip niya sa pagtatago sa ilalim ng mesa XD

TanniX said...

Oo! Sa department ata ng engineering yun or math! Basta yun yung matandang yun, so legendary na yun sa Mapua.

luna_sy said...

si prof. Sison yata yun tannix. nabasa ko sa isang blog na mapuan din. hehe

baka naman coincidences lang ang nangyayari since HOME FOR THE AGED un institution, malamang marami nang matanda at malapit na kunin ni God.

OR

nasa kanya ang Deathnote ko XD

TanniX said...

Di ko alam ang pangalan ng professor na yun Luna, pero sure naman na iisa lang ang taong yun eh. Siya lang lagi ang umiikot na kwento sa Mapua.

Ngayon, ang hindi ko alam sa pusang yan eh baka nagkaroon sya ng near-death experience kaya nakakakita na siya ng mga Shinigami.

Kung ang Death Note mo eh nasa kanya, sure akong lalaki ang bilang ng mamatay na aso sa mga susunod na panahon.

Anthony Scott said...

i dunno kung totoo pa ung kwnto na ung prof na un sa Mapua. hehe. lahat ata ng mapuans alam ata ang kwntong un.

hmm.. mahuhulaan kaya ng pusang yun ang sarili nyang kamatayan? halimbawa e, masasagasaan sya?

TanniX said...

Sobrang sikat na nga nung prof na yun eh, halos sa lahat ata ng generation sa Mapua eh buhay ang kwento na yun.

Kung yung pusa naman siguro ang mamatay na, baka daga naman ang tatabi sa kanya at pagtatawanan siya, ahahaha!