Thursday, August 9, 2007

Blogaloo

I want to make a mark in the world of blogging. Be a known speck in the Blogosphere.

Be someone famous in short.

But that's just a freakin' long way to go.

Why do I blog? What is my purpose to the Blogosphere? Why am I here?

BLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOG

I started blogging about a couple of years ago. Here's the LINK by the way.

Just like now, my blog seems to be all about nonsense. And this is probably the reason why I can't make it big here.

Whenever I bloghop, I sometimes get this feeling of emptiness within me.

I feel so left out about such things and I feel that I've wasted so many times on the internet just dowloading games, watching porn, masturbating, and just doing plain nothing [well that's after I clean up of course].

I've heard about blogging back when I still have dial-up connection. It's just that I wasn't interested enough to create an account anywhere.

And here I am, feeling the loss. The loss of time on getting my ideas out there and be known for even just a simple thing, which is this.

I was asking myself, "Where have I been all these time?"

It's just sad for me.

I particularly wanted to "release" these ideas of mine to people. I feel like if these thoughts don't get published, I may not have a purpose in my life anymore.

The fact that I've got plen...






Teka lang ha, kuha lang ako ng meryenda.

BLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOG

Ayan, ang sarap talaga ng kakanin.

Aba, teka? Ano ba itong naisulat ko na ito?

Hmmm... aba, aba aba aba...

Anong kalokohan ito? Ako ba ang nagsulat nito?

Anak ng puta.

BLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOG


Teka, bago pa ako mapagkamalan na schizophrenic eh aaminin ko na ako nga ang nagsulat niyan, hehe.

Wala lang, nada-drama lang ako. Haha, nakakatawa. As if naman may makikialam sa drama ko. Para namang nagagawi dito sila Mother Lily at Boy Abunda, at yung iba pang talent scouts, manager, at producers para magdrama ako ng ganun at madiskubre.

Peste yan, ano bang pakialam ko dun? Haha.

BLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOG

Unang-una, pinapasalamatan ko yung mga taong nagagawi dito sa blog ko. Sa mga tao na lubusan ang pag-aaksaya ng oras dahil wala naman kayong makukuhang kahit na anong impormasyon o di kaya eh nakakatuwang mga bagay.

Nagpapasalamat ako kay Luna_sy, kay Kirk, kay Tonskie, Kay Psychoangelo, kay Mnel, kay sir Drei, kay sir SB, kay Yunisee, kay Sarj, kay Karlo.Pinoyblogero, sa Pinoyblogosphere, at sa lahat ng mga tao na nagsign, nag-comment, at bumoto sa mga bagay-bagay na nasa blog ko. Kung sino man kayo, mag-comment kayo dito!

I COMMAND YOU!!!

Sa totoo lang, ang hirap maglagay ng pangalan sa pasasalamat kasi everytime na may dadating, ie-edit mo pa yung blog entry.

Bago pa lang naman siya. At mga kakilala ko lang din ang andito. Yung mga nagblog-hop mula sa ibang panig ng blogosphere eh wala pa akong nakikita. Except for dun sa isang account na advertisement lang at binura ko na din.

Maraming salamat sa din nga pala sa mga bisita na bumisita at hindi nagpakilala man lang. Yaan nyo, makikilala nyo din ako. Tandaan nyo ang pangalang TANNIX. Yan ang isa sa magiging mataginting na mga pangalan sa larangan ng blogging. Magiging isa itong pundasyon ng mga...

Teka nga, natakot ako sa mga sinabi ko ah. Parang di ko kayang gampanan yun. Sige na nga, basta salamat sa mga dumalaw at nag-aksaya sa munti kong blog na bagong-gawa pa lang.

BLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOG

Bakit nga ba ako nagba-blog? Ano ba ang mga rason ko at pangunahing mga dahilan kung bakit ako nag-blog?

Aba, ewan ko nga ba. Basta nung marinig ko lang kung para saan ang blog at papaano ito nagwork eh gumawa na din ako. Baka kasi manghinayang nanaman ako nung time na pinalampas ko ang dapat sanang ginawa ko na eh, pero di ko tinuloy.

Ops, hindi ito yung pagpapatuli ha.

Mga rason ko kung bakit ako nagblog:

1. GUSTO KONG SUMIKAT AT MAGPAPASIN.
- Resulta marahil ito ng madalas na pagkakabagok ng aking ulo nung kabataan. Naghangad ako ng labis na atensyon sa mga tao sa paligid ko. At ngayon naman, sa mga tao sa internet.

Kalokohan ito pero susubukan na din naten. Konting promotion pa eh makikilala ko na din ang mga bigatin ng blogworld. Makikipagkamay ako sa mga elitista tulad nila... nila... teka, wala naman akong kilalang mga sikat na bloggers. Anong silbi pang sumikat ako kung wala man lang ako ng kaalam-alam sa mundong ito? Ah basta, mangyayare din yan kahit papaano. Umabot lang sa sampu ang makaalam ng blog ko eh masaya na ako. Di naman ako mapaghangad. Ayoko naman kasing sumikat masyado dahil isnabero ako pag sumikat na ako.

2. Gusto kong magpalipas ng oras.

- Hindi man ito halata pero ganun na nga. Kapag natutulala ako at kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko, di ko ito maatim na mawala na lang sa hangin. Dapat itong maisulat dahil baka mapakinabangan ito ng ating mga scientist sa pagtuklas ng makabagong gamot sa katamaran, hika, pagkasuya sa karne, at excessive masturbation.

3. Gusto kong kumita ng pera.

- Naengganyo ako dun sa isang blog entry ng aking kakilala na si Supernoobice. Pwede nga palang kumita sa blog. Pero sa ngayon, ang kinikita lang ng blog ko eh amag. Inaamag na siya dahil wala siyang kwenta at tanging ang mga intelektwal, mga mala-diyos ang kagandahan at kagwapuhan na nilalang lamang ang maaaring makapagbasa nito.

Kaya kung isa ka lamang imortal, welcome ka pa din syempre.

Alangan namang ipagdamot ko pa yung basura ko diba? Pero mataas masyado ang pangarap kong kumita ng pera para sa isang basurang blogsite. Sino ba naman ang site na ito para pansinin ni Google? Alangan namang bayaran niya yung mga paslit na blogsites tulad ng saken? Eh nasa bottom list pa ako ng Google kapag nagsearch ka. Kaya mananalangin na lang ako na masira ang database ng google at padalhan ako ng isang milyong dolyares.

3. Gusto kong mag-entertain.

-Ito, seryoso ako dito. Gusto kong magpasaya ng mga tao sa pamamagitan ng mga ideya ko. Kung meron man akong purpose sa buhay ko, ito yung magpaligaya ng mga tao. Yung simpleng aspeto lang ng kaligayahan, yung mapatawa sila ng kaunti, kahit kalahating tawa lang. Yung kahit "HA-H..." lang ika nga ni Alex. Alam kong kaya ko ito, madami na din naman kasing magpaptunay dito eh. Ito na marahil ang goal ko sa mundong ito. Ang makapagbigay kasiyahan sa mga tao. Minsan nga naiisip ko...

Ah potek. Tama na nga. Gusto ko lang magpatawa kasi sabi sa mga women's magazine, gusto nila ng lalaking funny daw. Kaya ipagkalat nyo na nakakatawa ako [in an intelligent manner]!!! WAG KAYONG BASTA LANG MAGBASA DYAN! HANAPAN NYO AKO NG KAIBIGAN!!!

Kaya yung mga gustong magpakilala sa akin ng mga kaibigan nilang "sexually active", BABAE, intelehente, maganda, sexy, at ubod ng lakas ng urge makakilala ng isang kwelang taong kagaya ko eh lumapit lang sa akin at batukan ako ng malakas para mawalan ako ng malay at makita ko ang nasabing babae sa panaginip ko.


BLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOG

Ayan, ang haba nanaman ng nasulat ko. Eh wala lang naman itong kwenta.

Para lang ako nagupod ng daliri para magpatuloy nito. Ano ba naman yan.

Ayoko na dito! Ilayo nyo ako sa harap ng computer please!!!

GUARD!!! MAY NANGGUGULO!!!


BLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOG

Salamat nga pala sa mga nagbabasa. I appreciate it. Let's blog 'til the rest of forever eh?

Yeah, that's a brilliant idea...

6 comments:

Freiheitstraum said...

Haha salamat tannix sa special mention! naknampucha. kumita ng pera sa blog?! gawa kang todo daming blogs! kikita ka dyan for sure!haha.:P hindi, link building lang ang kailangan mo..at tutal masipag ka naman, magkakaroon ka rin ng site traffic nyan :D ako, i got tired of adsense. nawalan na ko ng gana magmonitor e...isa pa, ang tagal dumating ng cheque..haha.hahaha!balak ko gumawa ng new blogs at dun ipagkalat ang google ads!haha. pero...tamad pa ko sa ngayon.:P oist! may bago pala ko VLOG.... http://www.powertripper.vox.com

enjoy!

TanniX said...

Ayun! Salamat sa tips mo Sarj!!!

Sinubukan ko lang naman ito. Wala naman akong balak gawing professional blogging ito. Kahit umabot pa ng 1000 ang links ko dito, di ito kikita! Ahaha!

Salamat Sarj! Balik ka dito ha!

ninong said...

pareho lang tayo ng naramdaman... kaya nga medyo tumigil ako... nakakaoverwhelm ang dami at lawak ng blogosphere ngayon. O_o nung nagsimula ako magblog, konti pa lang nakakaalam nun...

sisikat ka rin. pero ako muna ha? hahahaha

TanniX said...

NINONG!!! WAHAHAHA!!!

Oo nga eh, ganun talaga. Minsan nawawalan ako ng gana kasi andami-dami kong gustong mangyare, pero ang konti-konti ng kaya kong gawin.

Haaay nako!!!

Ninong, pwede bang sabay na lang tayong sumikat?

Anthony Scott said...

walang anuman tannix. tena't pagkakitaan natin ang mga blog natin!!!! baka ikayaman natin eto!!!

TanniX said...

Tonskie, matagal ko nang gustong gawin yun! Ahahaha!

Pano ko ba sisimulan???

Tara, planuhin na naten!