Wednesday, August 1, 2007

Turning Point

Ah yes, I am here again. In front of my computer, listening to Rihanna's tune and just taking a break from having a break.


Break after break, I progress. I am the what you can call a "bum" right now.

All is well. No school for the rest of the month, the year, and for the rest of until I-want-to-go-to-school-again.

Yep, school is over FOR NOW.

It feels quite well, to not be in school anymore. All those free time. All those rest and sound sleep. All of those free time for blogging.

All is well.

Well, not that well. To be honest, I feel a bit of nauseous right now.

I feel queasy and I want to throw up.

Stress is all over. I feel more pressured right now than before. It's like I'm Spider-man trying to save everybody else, when the truth is I should be doing things for myself as of this moment. I have this inexplicable feeling, to which I cannot pinpoint the source.

Is it my mind? Is it my body? Is it my reproductive system?

Probably. I cannot really identify it.

I've been thinking too much about everyone or rather some people in my life that it puts me into a state where I think about things.

And I must admit that thinking about things are pretty hard for me to do.

So I have to give time to what ME.

No one else matters as of now. It's all me as of this moment.

I have to take things seriously from now on and live a responsible and disciplined life.

That's a much bigger challenge than drinking a glass of water or swallowing a dead lizard.

+_+_~^~_+_+_~^~_+_+_~^~_+_+_~^~_+_+_~^~_+_+_~^~_+_+_~


As for this English stuff...

Potah, tama na nga! Ayoko nang mag-English! Sa lahat ng job interviews ko puro na ako English! Tama na yan! Magtatagalog naman ako dito sa blog ko!

Pero of course, I'll be in English from time to time for the FOREIGNERS all around the globe that will be visiting this humble site of mine.

Which is another pile of shitty unrealistic scum.

Pero tigilan na talaga naten sa ngayon at magrelaks.

Magkwento naman tayo ng kaunting mga nakakatuwang mga bagay-bagay sa paligid ko.

+_+_~^~_+_+_~^~_+_+_~^~_+_+_~^~_+_+_~^~_+_+_~^~_+_+_~


Ah oo nga pala, may ilang linggo na din akong naghahanap ng trabaho sa palibot ng Pasig, Quezon City, at sa Makati.

Yan siguro ang dahilan ng immense pressure na nadarama ko. Hindi naman nga sa minamadali akong magkatrabaho sa bahay namen pero ganun na nga.

Sa palagay ko naman eh talagang kaylangan nang maghanap dahil kaylangan nang makatulong sa lumalalang krisis sa loob ng bahay namen.

Anong krisis kamo? Ah wala, ang mga krisis na ito ay pwede din nating tawaging BILLS.



Bakit ba nakakaasar ang BILLS???

Si Bill ng Microsoft eh nakakaasar kasi ang yaman-yaman niya. Ika nga ni Verna eh bakit ang yaman-yaman-yaman ni Bill eh hindi naman siya nagpapainom! What a cheap person!

Ito ang dapat sa MICROSOFT VISTA MO!!!




*Credits to L for the sharing the video to me*

Si Bill-y Crawford eh ang galing-galing magsayaw na parang sampayan naman ng damit ang itsura dahil sa pinagpatong-patong na sweater, t-shirt, polo, sando, scarf, sako ng harina, at kung ano-ano pang wardrobe na hindi mo makikitang isusuot ng normal na taong nakatira sa isang tropical country.



"Do you want a shirt? I got plenty on me..."

+_+_~^~_+_+_~^~_+_+_~^~_+_+_~^~_+_+_~^~_+_+_~^~_+_+_~

Kaya nga ba't ayaw ko ng mga bills. Bills ng kuryente, tubig, kuryente, tubig, at kuryente at tubig.

Ah, oo nga pala, yung mga gastusin para sa pagkain na misteryosong nauubos na lang bigla-bigla kapag andito ako sa bahay. Malaki nga ang pagtataka ko dahil hindi ko talaga matuklasan kung sino ba ang umuubos ng mga Fudgee Barr at mga Lemon Square Cheesecake na baon ng mga bata eh wala naman sila sa bahay.

Nagaganap lang talaga ang misteryong ito tuwing hapon na nandito ako sa bahay at tinatamaan ako ng gutom. Pareho lang din ang nangyayare sa mga laman ng refgridgerator tulad ng gatas, tetra packed juices at mga iba pang snacks.

Dapat ko sigurong magsiyasat ukol dito.


+_+_~^~_+_+_~^~_+_+_~^~_+_+_~^~_+_+_~^~_+_+_~^~_+_+_~

Pero mabuti nga kamo at hindi pa laganap ang polusyon sa mundo, kung hindi eh baka gastusan na din namin ang bills para sa oxygen, diultraelectro-mezosubatomically-intellisensitized purified water, cleansed and "not grown on soil" vegetables, at non-malignant meat.

Kung nagkataon na inabutan na ako ng panahon kung kailan hindi pa ako nakakatapos mag-aral at laganap na ang polusyon eh mas gugustuhin ko pang lumabas nang bahay at singhutin ang kapaligiran kaysa sa magtrabaho.

Ito nga pala ang mga posibleng gastusin kung sakaling sobrang polluted na ng kapaligiran.


OXYGEN - Anak naman kasi ng kangkong, ikaw ba naman ang magbayad pa sa OXYGEN! Yun na nga lang ang inaasahan kong libre sa mundo eh sisingilin ka pa??? Lahat ng mga bahay nakabalot sa mga plastic bag para hindi pasukin ng hangin mula sa labas. At yung mga bahay na tinutukoy ko eh yung mga bahay sa Palawan, sa mga liblib na kagubatan ng Davao, Batangas, at iba pang mga magubat na lugar.

Ang masama pa nito eh imbes na chichirya na lang ang pag-aawayan ng mga tao sa bahay eh baka magkaaway pa sila sa bagay na gaya ng oxygen!

Setting: Siguro mga year 2097 na dito sa Pilipinas

Ate: "PAKSYET NAMAN OH! SINONG SUMINGHOT NG OXYGEN KO!!! IKAW BA NANAMAN SIGURO YUN OPTRIX20078 NOH!

Bunso: "HOY ATE MAGNESIA29339!!! HINDI AKO ANG SUMINGHOT NG OXYGEN MO! ANG KEPEL NG FEZ MONG MAG-ACCUSE!"

*Inamoy ni ate ang hininga ni bunso*

Ate: "AHA! IKAW NGA! NAAMOY KO ANG ONION-FLAVORED OXYGEN KO! NAAMOY KO SAYO!"


Nakaka-scared.

NON-MALIGNANT MEAT PRODUCTS - Actually nangyayare na ngayon ito sa Pilipinas. Marami na daw ang nagkalat na DOUBLE-DEAD MEAT sa Kamaynilaan. Hindi na sila naawa. Double-dead na karne. Sa ibang bansa, pinag-aaralan pa ang mas ethical na paraan na pagpatay sa mga hayop bago sila ibenta. Yung tipong "humane" na paraan nang pagpatay sa hayop para hindi naman madesecrate ang kanilang mga katawan.

(Akalain mo yun, pati hayop eh ginagalang sa kanila. Dito naman eh ang mga tao, ginagawang parang hayop.)

Dito sa atin double-dead pa ang ginagawa. Hindi na ba sila nakuntento sa single-dead at kailangan pa talagang i-doboded ang mga hayop? Ano kaya yun, matapos gilitan ng leeg ang mga hayop, binabaril pa sa o kaya eh kinukuryente pa! O basta kaylangan masiguradong patay na pati mga bulate nila sa tiyan.

Ahahaha, pero syempre iba naman ang ibig sabihin ng dobolded na karne. Tinetesting ko lang kung maniniwala ka sa sinabi ko.

Syempre pag dobolded, yung mga karne na namatay sa sakit tapos ibebenta pa sa palengke. Hindi siya normal na karne. Virus-enriched ang mga karneng ito. Syempre naman, ikaw ba ang papayag na malugi kung tamaan man ng kung anong bacteria ang karne na ibinebenta mo? Syempre hangga't pwede eh kumita ka para not total loss ang lahat.

Kumbaga, hindi mo naman papabayaan lang na masayang yung ulam from kagabi. Isasama mo siya sa gulay o sinangag sa kinaumagahan kahit alam mong hindi ito kakainin ng mga tao [gaya ng ginagawa ng katulong namen, the shit!].

Nakakatakot din yun, yung mahahawa ka ng sakit ng hayop. Foot and Mouth disease! Yung mukha mo at paa mo eh magiging parang sa baboy [although yung ibang mga tao eh meron nang Horseface disease], which is nakakatakot naman talaga. Kung ganun talaga ang FMD eh magpapakavegetarian na lang ako.

Sa ngayon eh mga ubo at sipon lang naman ata ang sakit ng mga hayop na nagkakaroon ng dobolded status sa palengke. Pero syempre kapag pinakinggan mo ang medical terms ng mga sakit na ito eh matatakot ka talaga. Yung tipong mga Acute Chronic ang mga paunang salita sa sakit eh sigurado akong kakabahan ka na ng husto kahit simpleng ubo lang naman pala ang mga iyan.

CLEANSED AND "NOT GROWN ON SOIL" VEGETABLES - Ngayon, kung ganito naman ang mangyayare sa mga gulay naten eh talaga namang wala ka nang choice kung hindi uminom na lang ng tubig.

Pero sa teknolohiya ngayon, posible na din naman ang mga pananim na hindi pa kailangan pa ng lupa. Hydroponics ang tawag sa prosesong iyan. Nasa tube lang yung mga halaman tapos lahat na ng kailangan nilang minerals ay nasa tubig na padadaanin sa tubo.

Yung cleansed eh mukhang kakaiba. Isipin mo na sa panahon na ubod na ng tindi ang polusyon, talagang kaylangan pang paraanin sa sobrang daming makinarya ang gulay mo bago mo ito makain. Ano pa kaya ang matitira sa gulay mo? Buto? Ugat? Kulay? Baka nga wala nang sustansya yan kapag nagkataon dahil sa cleansing process.

Pati siguro ang pari eh kaylangan pang basbasan ang mga gulay para ma-"cleanse" ito from bad elements.

DiULTRAELECTRO-MEZOSUBATOMICALLY-INTELLISENSITIZED [D.U.M.I.] PURIFIED WATER - Wala na pala talagang natitirang option sa mga tao na makapili ng kung ano mang mga bagay na pwede niyang ilagay sa kanyang katawan na original ang element. Kaylangan pa talagang i-ultra blah blah blah ang tubig bago mo ito mainom. Nung una, sapat na ang simpleng proseso ng mga water-purifying stations sa tabi-tabi [na parang kabute na nagsulputan]. Kaylangan pa nila ng mas complex na paraan para makapagpurify ng tubig na noon eh pwede mo na lang inumin nang wala kang aalalahanin. Kailangang puksain bawat elemento na matatagpuan sa polluted na environment na maaaring nasa tubig na din. Hindi ko nga lang alam kung magkano na ba ang magiging halaga para sa ganitong klaseng tubig. Baka nga sa sobrang purified niya eh silalaki na lang ng Eye-Mo ang bote niya at kapag iinom ka eh isang patak na lang ang kailangan mo.

+_+_~^~_+_+_~^~_+_+_~^~_+_+_~^~_+_+_~^~_+_+_~^~_+_+_~

Medyo farfetched [oh diba, farfetched! So english!] naman ang mga kalokohang ito pero ang totoo lang eh yung katotohananan na totoo ngang merong Global Warming at nangyayare na ito. Hindi ko naman gustong i-kwento ito kasi nakakatakot lang. Baka himatayin ako pag nagresearch ako sa internet at malaman ko na lang na wala na palang Ozone Disco... este Layer dahil tuluyan na itong na obliterate.

Sana lang maging responsable tayo sa paggamit ng mga hairsprays, spraynet, at mga CFC-based na produkto. Ewan ko lang kung meron pa ngang ganito. Balita ko eh nakakapag-generate daw ng CFC ang palabas sa GMA 7 na kung tawagin eh DAISY SYETE at ang mga elongated na Soap Operas na kahit kailan naman eh hindi ko kinakitaan ng eksena na may nagsasabunan na magnobyo. Kahit man lang si Ryan at Juday eh papatusin ko na, kaso wala talaga eh.

O sige, kahit si Aiza at Juday.

9 comments:

luna_sy said...

potsa nakakatakot yun onion-flavored oxygen.. >.<

TanniX said...

Ahahaha! Baka nga hindi lang onion-flavored eh,baka mas marami pang available flavors.

psychoangelo said...

nice blog!!!

yunisee said...

kuya tannix, ang cute ng entries mo. natatawa ako. XD

good luck sa paghanap ng work. dasal lang. darating din yan. :D

tutal nabanggit mo ang pagpatay sa hayop, sabi ng tatay ko, ang crab ang pinakakawawang hayop. agree ka ba doon? haha

luna_sy said...

ate yunisee alam ko hindi hayop ang crab.. isa itong crustacean..:D

TanniX said...

Psychoangelo - Salamat! Salamat! Astigin din ang blog mo!

Yunisee - Maraming salamat sa pagpunta mo dito! At salamat din sa pagwish mo saken ng trabaho! Wahaha! Sana nga eh dumating na sila! Maraming-maraming trabaho... teka, konting trabaho pala at maraming pera!

Ang crab ba ang pinakakawawang hayop kasi hindi sila umuunlad? Tama kaya yun?

Luna - Tama nga naman. Hindi nga naman siya hayop na mammal pero isa siyang hayop na crustacean, ehehe.

Anthony Scott said...

Kuya tannix, ang ganda ng blog mo. ampota. gusto ko makilala si ate MAGNESIA29339!!! HAHAHHA!!!!

luna_sy said...

cyborg na ba mga tao sa future? eh di hindi na pala nila kailangan ng onion flavored oxygen >.<

TanniX said...

Ahahaha! Salamat TONSKIE. Kakaylanganin mo pang tumagal hanggang 2097 para makilala mo siya. Future apo mo ata yan, haha.

Luna sy, sa year 2098 pa madidiscover ang Cyborgism. As of 2097, mga carbon-based na lifeform pa lang ang nageexist.

Potaena, so nerdy shit!