Monday, August 20, 2007

Catch Me I'm Falling

Matagal na ding panahon ang nakaraan noong last akong nakapanood ng X-Games. Di ko alam na umabot na pala ito sa 13 ngayong taon na ito.


Kung hindi mo alam ang X-Games, eto yung short for Extreme Games. Madaming ganitong event ang nagaganap sa iba't-ibang bansa at sa iba't-ibang panahon pero mukhang nasa America ang main event at sponsored ng ESPN.

Eto nga pala ang Wikipedia Article. At ito naman ang official site nila.

Sa X-Games madaming event. May skateboard, motocross, BMX, in-line skates (roller blades), wakeboarding, surfing, wall climbing at mga iba pang hindi ko maalala. Meron ding Winter X-Games

Nagsimula na X-Games noong 1995. Skateboarding, BMX, at in-line skates ang mga main event.

Madami ang sikat na pangalan sa X-Games.

Si Tony Hawk and his famed 900 trick. It's supposedly an aerial trick that is a 900 degree spin.

Sila Dave "The Mirracle Man" Mirra , at si Matt "The Condor" Hoffman. Si Dave Mirra ang nakagawa ng Double Backflip. Si Matt Hoffman naman eh sikat dahil siya ang nagpasimula sa mga ganitong klase ng stunts.

Sa Motocross naman eh sila Travis Pastrana at sila Mike Metzger, saka sila Brian Deegan.

Matagal ko nang inaabangan ang mga event na ito pero madalas eh nalalampasan ko din sila. Buti na lang at may Youtube. Search nyo lang: X-Games.


Ngayon naman, nasa 13 na sila. Matagal na din ang panahon na nakalipas.


At sobrang dami na ng butong nabali. Kahit medyo bihira naman na may sumemplang dito sa event na ito, kapag sumemplang, matindi at minsan fatal pa.

Ngayong X-Games 13, nag-install sila ng isang structure na kung tawagin eh Mega Ramp. Gawa sa kahoy ang ramp na ito at malaki siya. As in MEGA!!! MALAKI TALAGA!


At speaking of butong nabali, pakipanood niyo ito at malalaman niyo kung bakit ganyan ang title niyan.



Astig! ITO NA ATA ANG PINAKAMASAKLAP NA PARAAN PARA MAHUBAD ANG SAPATOS MO!!!!

Jake Brown was at his second run, attempting to pull-out a 720. He nailed the 720 but eventually, he was taken out of action by that 45-feet fall.

Swerte na lang ni Jake Brown at nabuhay pa siya. More than that, nakalakad pa siya paalis sa ramp. Siya ata dapat yung tawaging miracle man at hindi si Dave Mirra.

Wala, nag-share lang naman ako. Gusto ko na ngang manood palagi ng mga semplang ng X-Games eh, para matauhan ako at hindi na ako sumakay pa o gumamit ng bisikleta, motorsiklo, o di kaya eh skateboard habang buhay pa ako at buo pa ang mga buto.

Jake Brown Article


BALIBALIBALIBALIBALIBALIBALIBALIBALIBALIBALIBALIBALIBALI

Naalala ko tuloy noong kabataan ko at binata naman ang kuya ko. Naimpluwensiyan siya noon ng mga tropa nya na mag-skateboard.

Actually magaling mag-skateboard ang mga tropa niya. Siya lang ang hindi! Ahaha!

Natigil lang sila noong naaksidente ang kanilang kaibigan.

Sumemplang siya at naitukod ang kanyang braso.

Naputol ang isa sa mga buto sa braso niya na nagdudugtong sa joints ng siko niya. Ayun, natigil sila sa pag-skateboard.

Ako naman eh nanonood na lang imbes na subukan ko pang magbisikleta or mag-skateboard na kahit kailan eh hindi angkop sa body weight ko. Di ako agile para magskateboard. At lalong hindi ako payat para mag-try ng X-Games.

Isa lang akong hamak na mortal na nasasaktan kaya saluhin nyo ako sa oras na mangyari ito...

Catch me I'm falling!!!

FALLINGFALLINGFALLINGFALLINGFALLINGFALLINGFALLINGFALLING

Naalala ko tuloy yung kaklase ko nung high school. Isa siyang matabang bakla. Nag-eemote siya noon sa klase at kumakanta ng "Catch Me I'm falling! Falling! Falling fast ageeeeen...."

Natural, ano bang sasabihin ng isang tarandatadong katulad ko kundi: "Ulol! Walang sasalo sayo!!!"

Okay lang, buhay pa ako at hindi naman ako namolestya ng nasabing bakla.

Thursday, August 9, 2007

Blogaloo

I want to make a mark in the world of blogging. Be a known speck in the Blogosphere.

Be someone famous in short.

But that's just a freakin' long way to go.

Why do I blog? What is my purpose to the Blogosphere? Why am I here?

BLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOG

I started blogging about a couple of years ago. Here's the LINK by the way.

Just like now, my blog seems to be all about nonsense. And this is probably the reason why I can't make it big here.

Whenever I bloghop, I sometimes get this feeling of emptiness within me.

I feel so left out about such things and I feel that I've wasted so many times on the internet just dowloading games, watching porn, masturbating, and just doing plain nothing [well that's after I clean up of course].

I've heard about blogging back when I still have dial-up connection. It's just that I wasn't interested enough to create an account anywhere.

And here I am, feeling the loss. The loss of time on getting my ideas out there and be known for even just a simple thing, which is this.

I was asking myself, "Where have I been all these time?"

It's just sad for me.

I particularly wanted to "release" these ideas of mine to people. I feel like if these thoughts don't get published, I may not have a purpose in my life anymore.

The fact that I've got plen...






Teka lang ha, kuha lang ako ng meryenda.

BLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOG

Ayan, ang sarap talaga ng kakanin.

Aba, teka? Ano ba itong naisulat ko na ito?

Hmmm... aba, aba aba aba...

Anong kalokohan ito? Ako ba ang nagsulat nito?

Anak ng puta.

BLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOG


Teka, bago pa ako mapagkamalan na schizophrenic eh aaminin ko na ako nga ang nagsulat niyan, hehe.

Wala lang, nada-drama lang ako. Haha, nakakatawa. As if naman may makikialam sa drama ko. Para namang nagagawi dito sila Mother Lily at Boy Abunda, at yung iba pang talent scouts, manager, at producers para magdrama ako ng ganun at madiskubre.

Peste yan, ano bang pakialam ko dun? Haha.

BLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOG

Unang-una, pinapasalamatan ko yung mga taong nagagawi dito sa blog ko. Sa mga tao na lubusan ang pag-aaksaya ng oras dahil wala naman kayong makukuhang kahit na anong impormasyon o di kaya eh nakakatuwang mga bagay.

Nagpapasalamat ako kay Luna_sy, kay Kirk, kay Tonskie, Kay Psychoangelo, kay Mnel, kay sir Drei, kay sir SB, kay Yunisee, kay Sarj, kay Karlo.Pinoyblogero, sa Pinoyblogosphere, at sa lahat ng mga tao na nagsign, nag-comment, at bumoto sa mga bagay-bagay na nasa blog ko. Kung sino man kayo, mag-comment kayo dito!

I COMMAND YOU!!!

Sa totoo lang, ang hirap maglagay ng pangalan sa pasasalamat kasi everytime na may dadating, ie-edit mo pa yung blog entry.

Bago pa lang naman siya. At mga kakilala ko lang din ang andito. Yung mga nagblog-hop mula sa ibang panig ng blogosphere eh wala pa akong nakikita. Except for dun sa isang account na advertisement lang at binura ko na din.

Maraming salamat sa din nga pala sa mga bisita na bumisita at hindi nagpakilala man lang. Yaan nyo, makikilala nyo din ako. Tandaan nyo ang pangalang TANNIX. Yan ang isa sa magiging mataginting na mga pangalan sa larangan ng blogging. Magiging isa itong pundasyon ng mga...

Teka nga, natakot ako sa mga sinabi ko ah. Parang di ko kayang gampanan yun. Sige na nga, basta salamat sa mga dumalaw at nag-aksaya sa munti kong blog na bagong-gawa pa lang.

BLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOG

Bakit nga ba ako nagba-blog? Ano ba ang mga rason ko at pangunahing mga dahilan kung bakit ako nag-blog?

Aba, ewan ko nga ba. Basta nung marinig ko lang kung para saan ang blog at papaano ito nagwork eh gumawa na din ako. Baka kasi manghinayang nanaman ako nung time na pinalampas ko ang dapat sanang ginawa ko na eh, pero di ko tinuloy.

Ops, hindi ito yung pagpapatuli ha.

Mga rason ko kung bakit ako nagblog:

1. GUSTO KONG SUMIKAT AT MAGPAPASIN.
- Resulta marahil ito ng madalas na pagkakabagok ng aking ulo nung kabataan. Naghangad ako ng labis na atensyon sa mga tao sa paligid ko. At ngayon naman, sa mga tao sa internet.

Kalokohan ito pero susubukan na din naten. Konting promotion pa eh makikilala ko na din ang mga bigatin ng blogworld. Makikipagkamay ako sa mga elitista tulad nila... nila... teka, wala naman akong kilalang mga sikat na bloggers. Anong silbi pang sumikat ako kung wala man lang ako ng kaalam-alam sa mundong ito? Ah basta, mangyayare din yan kahit papaano. Umabot lang sa sampu ang makaalam ng blog ko eh masaya na ako. Di naman ako mapaghangad. Ayoko naman kasing sumikat masyado dahil isnabero ako pag sumikat na ako.

2. Gusto kong magpalipas ng oras.

- Hindi man ito halata pero ganun na nga. Kapag natutulala ako at kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko, di ko ito maatim na mawala na lang sa hangin. Dapat itong maisulat dahil baka mapakinabangan ito ng ating mga scientist sa pagtuklas ng makabagong gamot sa katamaran, hika, pagkasuya sa karne, at excessive masturbation.

3. Gusto kong kumita ng pera.

- Naengganyo ako dun sa isang blog entry ng aking kakilala na si Supernoobice. Pwede nga palang kumita sa blog. Pero sa ngayon, ang kinikita lang ng blog ko eh amag. Inaamag na siya dahil wala siyang kwenta at tanging ang mga intelektwal, mga mala-diyos ang kagandahan at kagwapuhan na nilalang lamang ang maaaring makapagbasa nito.

Kaya kung isa ka lamang imortal, welcome ka pa din syempre.

Alangan namang ipagdamot ko pa yung basura ko diba? Pero mataas masyado ang pangarap kong kumita ng pera para sa isang basurang blogsite. Sino ba naman ang site na ito para pansinin ni Google? Alangan namang bayaran niya yung mga paslit na blogsites tulad ng saken? Eh nasa bottom list pa ako ng Google kapag nagsearch ka. Kaya mananalangin na lang ako na masira ang database ng google at padalhan ako ng isang milyong dolyares.

3. Gusto kong mag-entertain.

-Ito, seryoso ako dito. Gusto kong magpasaya ng mga tao sa pamamagitan ng mga ideya ko. Kung meron man akong purpose sa buhay ko, ito yung magpaligaya ng mga tao. Yung simpleng aspeto lang ng kaligayahan, yung mapatawa sila ng kaunti, kahit kalahating tawa lang. Yung kahit "HA-H..." lang ika nga ni Alex. Alam kong kaya ko ito, madami na din naman kasing magpaptunay dito eh. Ito na marahil ang goal ko sa mundong ito. Ang makapagbigay kasiyahan sa mga tao. Minsan nga naiisip ko...

Ah potek. Tama na nga. Gusto ko lang magpatawa kasi sabi sa mga women's magazine, gusto nila ng lalaking funny daw. Kaya ipagkalat nyo na nakakatawa ako [in an intelligent manner]!!! WAG KAYONG BASTA LANG MAGBASA DYAN! HANAPAN NYO AKO NG KAIBIGAN!!!

Kaya yung mga gustong magpakilala sa akin ng mga kaibigan nilang "sexually active", BABAE, intelehente, maganda, sexy, at ubod ng lakas ng urge makakilala ng isang kwelang taong kagaya ko eh lumapit lang sa akin at batukan ako ng malakas para mawalan ako ng malay at makita ko ang nasabing babae sa panaginip ko.


BLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOG

Ayan, ang haba nanaman ng nasulat ko. Eh wala lang naman itong kwenta.

Para lang ako nagupod ng daliri para magpatuloy nito. Ano ba naman yan.

Ayoko na dito! Ilayo nyo ako sa harap ng computer please!!!

GUARD!!! MAY NANGGUGULO!!!


BLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOGBLOG

Salamat nga pala sa mga nagbabasa. I appreciate it. Let's blog 'til the rest of forever eh?

Yeah, that's a brilliant idea...

Tuesday, August 7, 2007

Umuulan Nanaman

Maulan nanaman.

Ito na yata yung tinatawag nilang "rainy season"

Hindi ko din maisip kung bakit hindi ako nawawalan ng blog entry tungkol sa ulan.

Lagi akong maraming reklamo sa ulan.

Sabagay nga naman kasi eh lumaki akong madalas makaranas ng epekto ng malakas na pag-ulan.


Noong bata pa lang kasi ako eh maliit pa lang ang bahay namen, at nasa normal na lebel lang ng kalsada. Sa dulo naman ng street namen eh nakakonekta ang creek na tinatawag namin na "Ilog Bandong".

NOTE: Ang pangalang Ilog Bandong ay nagsimula mula sa aming nanay. Nasa tabi kasi ng creek o ng "ilog" ang pinakasikat na gawaan ng coco jam sa aming lugar na pagmamay-ari ng pamilyang Bandong. Ang lahat ng kalat na nagmumula sa Bandong Coco Jam factory (tulad ng panis na sapal ng niyog) ay derecho na sa creek. At ang creek din na ito ang paborito naming pagtapunan ng mga namatay naming aso at pusa (dahil wala kaming bakanteng lote para maging pet cemetery).

Maiging nakabalot sa dyaryo at plastik ang mga nangamatay na miyembro ng pamilya na either namatay sa sakit or nasagasaan. At sigurado akong pasado sa quality assurance ang pagbabalot ng nanay ko dahil parang mamatay pa ulit ang patay na alaga sa sobrang higpit at airtight sealing ng supot na pinagbabalutan.

Nakakalungkot lang isipin minsan na parehong technique ang ginagamit niya sa pagbabalot ng aking baon sa eskwela. Naalala ko tuloy sila Whitey at Robin.

ULANULANULANULANULANULANULANULANULANULANULANULAN


Anyway, gaya nga ng sinabi ko eh malas akong makaranas ng epekto ng malakas na ulan. At isa na dito ang pagbabaha.

Oo nga at nakatira kame sa isang private village, pero anak ng lumot naman, ang street namen ay parang isang malaking canal na nagpa-funnel ng tubig mula kabilang village papunta sa Ilog Bandong. Siya ang nag-iisang exit ng tubig mula sa creek sa kabilang village papunta sa Ilog Bandong.

Madalas mangyare yun nung hindi pa "upgraded" ang bahay namen. Sa madaling araw eh sobrang lakas ng bagyo na parang ikaw na ang susunod na Dorothy at matatangay na din ang bahay mo. Mga dalawang oras lang ng walang tigil na ulan eh katumbas na agad ng hanggang tuhod na lebel ng tubig sa loob ng bahay.

Minsan nga kapag malas ka pa eh magigising ka na lang na nakalutang na parang isang plane crash survivor sa gitna ng dagat. Minsan nga eh nagising ako na basang-basa ang ulo ko nung nakahiga ako sa yantok na upuan. Yun pala eh umabot na ang baha sa hinihigaan ko.

Noon ding pagkakataong iyon ko naranasan ang pait at pighati kapag nalaman mong hindi pala nailigtas ng mga kasambahay mo ang Playstation mo sa ilalim ng t.v. Parang gusto ko na lang magpakalunod sa tubig baha pagkatapos kong kapain ang ilalim ng lamesa ng t.v. at makuha ko ang adapter ng Playstation.

Buti na lang at napigilan ako ng nanay ko na inumin ang sangkabahaan sa bahay. Nailigtas naman pala ang Playstation at adapter lang ang nabasa.

Kung alam lang namen na binabaha ang lugar, sana pala eh nagpundar kame sa mga plastic at glass furnitures para walang problemang mabasa ito ng tubig. At sana din eh nagpundar kame ng mga styrofoam na banig at kutchon. Hindi man ito kasing komportable eh safe ka naman sa pagkalunod habang tulog.

Kung hindi lang siguro iisipin ng mga tao na wirdo kame eh binalot na namen ang lahat ng kagamitan sa plastik para hindi mabasa. Pero sino ba naman ang gustong manood sa t.v. na nahaharangan ng plastik ang screen?

ULANULANULANULANULANULANULANULANULANULANULANULAN

Kulay brown ang tubig-baha na pumapasok sa bahay namen. Yun na lang ang bonus dun, yung hindi kulay itim na parang katas ng pusit at kasing baho ng pinagsama-samang fecal matters ng mga kapitbahay. Maatim mo pang ilubog ang paa mo kasi hindi pa ito ganoon karumi para ipa-amputate mo ang paa mo pagkatapos. Para kang nakatapak sa iced-coffee with cream.

Pag minsan eh naabutan pa namin ang baha. Nakakapaglimas pa kame, nasasalpakan pa namen ng mga sako ng buhangin ang mga pinto at pati na din ang drainage ng banyo na parang bulkan kapag bumulwak.

Mahirap kapag binabaha ang buong bahay. Isipin mo, kapag tatae ka eh hindi mo mai-flush kasi for sure eh hindi ito lulubog at malamang eh makita mo itong lulutang-lutang sa sala o kwarto nyo. Dapat marunong kang tumae sa plastik o arinola para ka makaraos. Tapos ipapatangay mo na lang sa baha.

One time, nung tumae ako sa plastic, napalakas ang bato ko ng supot. Sa pader ng kabilang street sumabit at nabutas ang plastic. Buti na lang at bakanteng lote yun at malakas ang ulan. Natangay na ng agos ang mga mangga, sinigang na baboy, at chicharon.

ULANULANULANULANULANULANULANULANULANULANULANULAN

Mahirap talaga kapag pinapasok ang bahay niyo ng tubig. Bukod sa hindi mo alam kung anong pwedeng laman ng tubig pag pumasok ito sa bahay nyo [pwera sa sakit syempre], eh ikaw lang ang hindi makakaranas ng kuryente for some time.

Kasi syempre kahit hindi brownout, hindi pwedeng magkaroon ng kuryente sa bahay, unless gusto namen lahat maging tustado ang balat namen. Syempre ang outlet ng kuryente ay abot ng tubig, at isa itong conductor ng kuryente.

Maghihintay ka pa tuloy ng ilang linggo para matuyo ang socket ng kuryente at magtitiis ka na hindi makalaro ng Playstation. Nakakahiya din naman na makisaksak sa kapitbahay namen na nauna nang magpataas ng bahay. At ayoko din naman na pumutok ang mga saksakan sa bahay dahil lang sa hindi ako makatiis na hindi maglaro ng Tomb Raider. Sa kabutihang-palad eh natiis ko ng maging uncivilized sa loob ng ilang linggo.

ULANULANULANULANULANULANULANULANULANULANULANULAN

Ngayon eh mataas na din ang bahay namen. Wala nang problema sa baha. Pinataasan na ni erpats para daw pwede nang mangisda ng mga tinangay na kung ano-ano mula sa bintana. Baka daw may inanod na artista eh pwedeng bingwitin na lang namen.

Kaso lang, hindi na din nagbabaha dito. Simula nung tumaas ang bahay, hindi na bumaha. Feeling ko tuloy eh may kuneksyon ang pagbaha sa lebel ng bahay namen.

Siguro nung naghukay yung mga karpintero namen, nabutas nila yung drainage papunta sa ibang parte ng Pilipinas kaya tuloy dun na napupunta yung pagbabaha imbes na dito samen.

Sa kanila tuloy nagkakaflashfloods.

Lagi na lang umuulan. Parang walang katapusan.


Puta, pangit ng themesong.

Sunday, August 5, 2007

Angel Angel Angel

Dahil chismis ito, dapat English para medyo thothyal naman.

ANGELANGELANGELANGELANGELANGELANGELANGELANGEL

Uh, yeah, it first started as a rumor and then she announced that she's going as a freelance artist.

And then this afternoon, Daddy Angel confirmed the contract signing.

Angel is now a Ka-Family.

Yeah, what the heck, that's not really a big issue for me since I am not watching too much t.v. these past months, especially local channels.

Maybe a few peeks at GMA 7 for Ehra and Katrina, and of course Angel.

Those girls at Wowowee can also stir up a testosrenone-al commotion.

And now here is Angel.

Just waiting for a contract signing. Just a simple scribble of signature with a pen and she's with the family now.

That's pretty good for me! No more constant channel changing because the number one reason for changing channels is her!

Ehra and Katrina are just number two on my list. I hope they transfer too. Especially Ehra. She could do a bit of G2G and incestful action with her sister Michelle.

ANGELANGELANGELANGELANGELANGELANGELANGELANGEL

I just saw The Buzz with Cristy Fermin interviewing Angel's dad and Angel's manager.

There were these few intrigues mentioned such as:

1. Angel was impregnated and she decided to abort it.

Dad's answer: It was untrue.

Well of course it was untrue. Her dad said it. That's the end of the issue. But of course, that's a bit of a showbiz material so he's probably trained to answer NO in all of these delusional questions about her daughter.

OH!!! And the sex video that was said to be hers was not actually hers but it was Natt Chanapa's video. They look quite alike, and of course they're both YUMMY! OH YEAH!

If it was true, I don't really care. That's another addition to the MILF list. Yessss!!! And getting pregnant would probably be one of the keys to make her a bit more daring. Well, just a bit more. Actually make her totally daring and go naked! Woohoo!

But not just yet. If she's still not a mama, of course, that's a big, big, big bonus.

2. Angel was the daughter of the househelper.

Dad's answer: Not true.

Yeah, of course. He said to just don't dig up the past anymore. That's entirely irrelevant. Not true.

I don't care about this one too. That's probably a good-looking mother she's got there, and it doesn't matter if she's a daughter of a house help or some kind of person that works for someone. What matters is that she was born here on our mortal plane and constantly pleasuring my imagination. Thanks Inday! I mean, Angel's mom!

3. Her studies in London are financed by a rich guy that seems to be her boyfriend.

Dad's answer: Not true you motherfucking maggots! She's just financed by a rich guy AND IT'S SOLELY A BUSINESS PARTNERSHIP. Angel needs to be aware about sportwear stuff in London. That's just a bunch of bullcrap.

That was not actually what her father told Cristy but I think that's how he wanted to answer these bunch of questions.

If I was the dad, I'd definitely answer in a calm and profanitious way. Who would not have mercy on an old blind man anyway?

4. Angel is a traitor and an ingrate.

Manager's answer: That was just below the belt. Angel served the network well and it was just time to take a shift in the career level.

That's just a matter of money-offering capabilities that the networks possesses.

ANGELANGELANGELANGELANGELANGELANGELANGELANGEL

My friend told me [who is actually from the Ka-Heart network], that ABS-CBN was the one who financed Angel's London schooling and offered her bajillions and bajillions of money. Which would probably make ABS-CBN bankrupt by now.

I don't know how true this is but I trust her [my friend] enough about that issue.

It doesn't really matter. Where ever she is, I'd watch her show. Even if she's one of Barney's cast, I'd dig the show just for her.

Just like that hot Filipina on High 5.

And she's probably better off with ABS-CBN. She's got Boy, Kris, and Cristy at her back as the top chismis authority of ABS-CBN. At least for the few months she'd probably be safe from chismax because she's got these three protecting her.

The network seriously needs to shuffle their stars. And this is probably their greatest move.

Piracy, I love it.

Friday, August 3, 2007

Letting Go

Letting Go
by tannix

I can finally let go, of what I have inside
All the pain and anxiety, it shall all subside
I am at bliss when I am letting go
I feel at ease when my burdens flow

I can let go, of all this pain
This restless moment that I'm in vain
I shall let go of what I feel
The moment is now, It shan't be concealed

All these complexities within me
I have released them fully
Such angst and uncertainty
They shall trouble me no more

Alas! here I am, at the verge of letting go
Nothing can hold me back
This feeling I've yearned for
Now is the time that I shall be contented!

Such insurmountable gush of energy
Is what I have in me
When I let go of this feeling
It is like a spiritual healing

That's why I say to my friends, let go
Let go of what you have and everything will follow
But just a reminder to all of you that'll let go
Just wipe your ass and flush the toilet, after you let go

Hey There, I'm Oscar. Let's Go And Die!

I was surfing through the net a couple of weeks ago, searching for that Brian Zembric guy [the guy who "installed" silicon boobs on his chest for a bet], and I found an interesting cat on one of the pages of Ripleys.com.


This morning I came across Jessica Zafra's blog and I found the same article.

Let's just say that I'm a bit envious of the article, so I decided to make one as well! Ahehe!


The cat's name is Oscar.

Now this cat seems like just a normal cat. Of course, he is.

"Garfield was never really that orangey"


Oscar was living a normal life fit for cats. And probably on his free time, he let's the staff of Steere House Nursing and Rehabilitation Centre in Providence know who's gonna die next.

Yeah, that's correct. This cat has correctly predicted the death of more than 25 patients in the said institute.

Talk about angels of death. In this case, it's a cat of death. Death in one of its cutest form.

This cat's got more sensitized sense of smell than a dog.

That makes me wonder how death smells like. Does it smell like a rat? A fish? Most probably fish, or fish gills.

Oscar is said to lie down together with those patients who only have hours left in their lives. He doesn't seem to have interest to those whose health is not so good and to those whose got few more days to live.


What a revolutionary way of death-detection!

CATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCAT


Akalain mo nga naman na magkaroon ng ganoong pusa. Parang gusto ko tuloy mag-breed ng Death-Detecting Cats.

Kung magkakaroon man ng world tour ang pusang ito eh gagawan ko na ng paraan para makakuha ako ng sperm sample sa kanya para lang makapag-breed ng kagaya niya.

Makakatulong ako sa mga pasyente na kailangan nang makausap yung mga pamilya nila bago pa man sila sumakabilang-buhay.

Pero may iba pa akong plano kung sakali mang magkaroon ako ng ganitong klase ng pusa.

Siguro eh ganito ang mga gagawin ko:

1. Takutin ang mga kaaway [o kaya ang maangas mong boss] sa pamamagitan ng pagdadala ng pusang ito sa kanyang lugar. Mas mainam kung pagulungin sa bulok na karne ang alaga mo para talagang mag-amoy patay ang lugar.

2. I-train mong maigi ang pusa na lumapit sa matanda at mayaman mong kamag-anak at sabihin mong hindi ito aalis hanggang hindi ka pinamamanahan ng malaking halaga. Wala na ding magagawa ang kamag-anak mo dahil within hours na lang ang itatagal nila kaya siguradong susunod na din agad sila.

3. Dadalhin ko sa pag-aaplayan ko ng trabaho at ipapatong ko sa mesa ang pusa bago pa man ako magsimulang mag-apply. Paniguradong tanggap na ako nito.

4. Dahil maaga mong mape-predict ang kamatayan ng isang tao, pwede kang bumuo ng isang grupo ng crying ladies at mag-offer ng business deal sa mga chinese patients na "Cry now, pay later". Sakto yun, di pa man patay ang pasyente eh iniiyakan na siya. Baka maumpog pa yun sa bubong ng langit sa sobrang advance ng pag-aalay ng iyak. Same thing applies para sa pag-offer ng funeral plans.

5. Kung pagod na ako sa buhay ko, makikipagtitigan na lang ako sa pusa ko buong araw.


CATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCAT

Naalala ko naman yung isang storya na may kinalaman sa pusa. Ito yung propesor na alamat sa Mapua na hanggang ngayon eh buhay pa ang kanyang kwento.

Eto yung propesor na sobrang talino, at sobrang wirdo din.

How weird?

Nagsusuot daw siya ng gulay sabi nung instructor ko na naging under dun sa maalamat na propesor.

Tuwing brownout pa daw sa school eh bring your own candle imbes na suspendihin ang klase.

May time daw na nagtago siya sa ilalim ng lamesa para akalain ng buong klase na wala siya at hindi na sila pumasok. Absent ang buong klase dahil andun daw siya sa classroom nung time na yun.

Naglalakad ng patalikod kapag bumababa ng hagdanan, dahil one way daw yung hagdan at tinatamad na siyang umikot.

Ngayon, itong professor na ito eh sobrang talino naman dahil everytime na magkakaroon ng evaluation exam para sa mga instructors, eh tinutulugan niya lang ito. 10 minutes bago ipasa ang papel, gigising siya saka niya sasagutan ang papel, tapos magmamali lang ata ng isa kasi daw 'nobody is perfect'. What a shitty reason.

Kasama pa daw sa Top 100 most intelligent people ng Asia ang prof na ito.


Bakit ko siya nakwento sa kwentong pusa? Kasi meron siyang bitbit na kuting sa klase kapag daw may exam.

At ang lapitan daw ng pusang iyon ay paniguradong bagsak na dahil may kakayanan daw ang mga pusa na makakita ng bad spirits.

Kaya nga daw laging sinisipa palayo ng mga instructors namen ang kuting na yun papalayo sa kanila.

CATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCATCAT

Since uso na din ang genetic engineering at mutated cross-breeding ng mga hayop, bakit hindi kaya natin subukang magcross-breed ng bomb-sniffing dog at death-detecting cat?

At kung sakali mang makakapag-breed ako ng pusa sa mga bomb-sniffing dogs, meron akong isang ultimate anti-disaster na alaga!!!

Isipin mo na lang kung meron kang ganitong cross-breed na alaga -- sa isang iglap, mape-predict mo ang bilang at identity ng mga tao na pwedeng mamatay , sa sasabog na bomba na naamoy din ng alaga mo.
Astig!

O kaya naman eh malalaman mo kung gaano na lang ang itatagal ng tao na nahulihan ng droga.

Bakit ba naman kasi pusa pa ang napuntahan ng ganitong powers. Nakakatakot na tuloy mag-alaga ng pusa ngayon.

Mas gusto ko na lang tuloy mag-alaga ng dagang nagluluto kesa sa pusang nagsasabing mamatay ka na.

"Matapos ang Bananas in Pyjamas, naging performer na lang si Dodi sa perya"

Thursday, August 2, 2007

Minsan/Madalas

Madalas ayaw mo.
Minsan gusto mo.

Minsan malakas ka.
Madalas hindi mo kaya.

Minsan naiintindihan mo.
Madalas malabo lahat sayo.

Minsan ikaw ay natututo.
Madalas ika'y nauuto.

Madalas gusto mong sumuko.
Minsan gusto mong sumugod.

Minsan punung-puno ka ng swerte.
Madalas naman gumugulong ka sa kamalasan.

Minsan ayaw mong masasaktan.
Madalas ka namang nasusugatan.

Madalas tinatakbuhan mo ang problema.
Minsan naman hinaharap mo sila.

Minsan nakikinig ka.
Madalas ginagawa mo ang gusto mo.

Madalas gusto mong mamatay.
Minsan mahalaga sayo ang buhay.

Minsan nagmahal ka ng lubos.
Madalas puso mo'y naghihikahos.

Madalas kinakapos ka ng grasya.
Minsan ka lang kasi magpasalamat.

Minsan kinalimutan mo siya.
Madalas tuloy lumuluha ka.

Minsan, hinahayaan mo na lang.
Madalas tuloy inaabuso.

Minsan gusto mo ng space.
Madalas naman naghahabol ka.

Minsan alam mo ang gusto mo.
Madalas naman gulung-gulo ka na.

Minsan ka lang magmamahal.
Madalas ka namang masasaktan.

Minsan ang bango-bango mo.
Madalas naman basa ka ng pawis.

Minsan ang ganda ng araw mo.
Madalas naman puro hinagpis.

Madalas eh ang sigla-sigla mo.
Pasalamat ka't minsan lang ang sakit mo.

Minsan ka lang magtiwala.
Madalas eh lolokohin ka pa.

Minsan moody ang mga tao.
Minsan tuloy gusto mong lumayo.

Minsan lang ang birthday mo.
Kaya iselebreyt mo ito ng husto.

Minsan ka lang mabubuhay.
Kaya punuin mo ito ng kulay.

Makulay ang buhay.
Sa sinabawang gulay.

Madalas kang sigurado.
Sablay naman ang kinahihinatnan nito.

Minsan ka lang maging perpekto.
Madalas nga sa panaginip pa ito.

Sa isang madalas sa buhay mo.
Eh sampung minsan naman ang katapat nito.

Minsan hindi ka maintindihan.
Madalas puro ka naman kababawan.

Minsan ginaganahan kang magpatuloy.
Madalas gusto mo na lang tapusin.

Minsan ka lang mabubuhay sa mundong ito.
Kaya gawin mong madalas ang kaligahayan mo.

Madalas akong nagsusulat.
Minsan lang may nagbabasa.

Pero minsan lang ako magsulat ng ganito.
Kaya basahin mo ng husto.