Saturday, September 1, 2007

Unang Palabas


Aba, talaga nga namang lumaki na ang issue ng sagutan sa panig ni Papi at ni Joey.

Ito na nga yata ang pinakamainit na kaganapan ngayon sa ating bansa, maliban sa isyu ng terorismo. Pati ang mga senador eh iniimbita na si Papi sa senado.

Nadinig ata ang senado ang rekwest ni Joey na unahin ang Hello Papi bago ang Hello Garci.

Nabasa ko lang naman yun sa tabloid. Hindi ko alam kung para saan pa ang pagpupulong na magaganap sa pagitan ng mga senador at ni Willie. Napakabigat nga naman talaga't umabot pa sa senado.

Naapektuhan na din daw nito ang estado ng bansa. Mawawalan na ng foreign investors dahil sa scam na ito. At maaari na ding mawala ang mga nagbibigay ng dollars sa show ni Willie. So sad.

Bakit naman kasi nagkamali pa sa paghugot ng papel si Papi, ayun tuloy, napuna siya ni Joey.

Minsan hindi ko alam kung bakit nga ba sobrang subaybay ni Joey ang mga nangyayare sa palabas ni Papi eh. Siguro pag commercial ng Eat Bulaga eh nanonood si Joey sa backstage, hehe. Gusto niyang makita si Luningning, dahil sawa na siya sa Sexbomb.

Kung sabagay, sawa na din ako sa Sexbomb. Gusto ko din si Mariposa at Luningning. Kaya nga ba't salamat at may Wowowee.

Pero sa isang linggong paglalamay eh nakakasawa na nga naman din ang ganitong isyu. Sa totoo lang, hindi ko na din binibigyang-pansin yun. Natuwa lang ako kay Willie sapagkat napaiyak nanaman siya gaya ng pag-iyak niya noong panahon nila nina Randy at John sa Magandang Tanghali Bayan.

Ika nga ng kaibigan kong si Pauee, dapat daw eh pinaghaharap-harap na ang mga hosts ng mga noontime shows na yan at magpatayan na silang lahat sapagkat nakakasawa na ang drama.

Yung tipong 1 on 1 sila Joey at Papi na parang Tekken lang. Sa una, magsasagutan muna sila ng mga masasakit na paratang at salita. Tapos maghaharapan sila na parang boksingero. Tapos magbabanatan na sila na parang Dragon Ball.

Papi: "HETONG SAYO JOEY!!! SUPER MEGA WILYONARYO!!!!"

*KABOOM!!!*

Joey: "Akala mo ikaw lang meron niyan? HETONG SAYO!!! MEGARIFFIC ULTRA PINOY HENYO BEAM!!!"

Papi: "PASALOG BOMBER!!!"

Joey: "Tangina mo gago! Explain before you complain!!!"

Papi: *Sob*... "Wag kang mamersonal... huhuhu"

Joey: "Ulol, lagyan mo ng luha yan paksyit ka!"

Papi: *Tusok mata*


PALABASPALABASPALABASPALABASPALABASPALABAS


Tama nga naman yun. Pero yung kay Willie ang mas gugustuhin kong mawala ng saglit o palitan ng tema ng palabas.

Parang soap opera nga naman, ayos sa aking kaibigan na si santongbusabos. Melodramatic ang style ng pamimigay ng premyo. Papaiyakin muna ni Willie ang mga kalahok bago pamudmudan ng super daming dollars.

Syempre inggit ako, sangkaterbang pera yun eh.

Sa context ng charity at kawanggawa, walang kwestyon yun. Kaso lang eh sobrang soap opera based ang palabas niya.

Buti na lang eh andyan si Luningning. Oh lala. RAWR!!!


PALABASPALABASPALABASPALABASPALABASPALABAS



Magandang ideya yung magpatayan sila ng mga hosts, saka isama na din nila ang mga morning shows kung pwede. Palitan na lang nila ng educational shows at mga parang Discovery Channel o pangmatandang Blue's Clues para madagdagan ang kaalam ng mga tao.

Dapat yata kasi eh parang commercial na lang ang mga palaro ng noontime shows at hindi na kailangan pang sumakop ng isang buong length ng palabas. Kumbaga, ikokomersyal na lang kung sinong nanalo. Mga 15-minute show na ipapalabas lang yung mga nanalo sa contest.

Para hindi na sila magpapakulelat ng mga tao at magtatanong sila ng kalokohan.

Tulong kung tulong at hindi ratings.

Tapos iiyak-iyak naman kapag nakutya.

Sample Question: Kung ang talong ay eggplant, ano naman ang exothermic?

Eh sino bang makakasagot basta-basta ng ganun? Tapos may mga kanta-kanta pa. Sose.

Kung tutulong ka, wag mo na ding gawing palabas.

Gawin mo na lang commercial.


No comments: