Monday, December 31, 2007

Bisikleta

Bisikleta
by tannix

eto ako at walang preno
sakay sa bisikleta ng ating pagmamahalan
dere-derecho pababa sa burol
kung nasaan ang mapait na pamamaalam

minamadali ko na ang pagpapaandar
itinotodo ko na ang pagpedal
gusto ko nang rumagasa
at bumulusok paibaba tungo sa kabiguan

babangga sa pader ng kalungkutan
magtatamo ng mga galos ng pighati
at mga sugat ng mga ala-ala
na walang kasing-sakit

pinilit ko pang ipadyak
tayong dalawa paitaas
ubos-lakas na pagsisikap
ibinuhos kong lahat para sa atin

subalit napagod na ako sa pagpadyak
ng bisikleta ng ating ibigan
paitaas sa burol kung san naroon
ang dati nating matamis na samahan

humantong na ako sa pag-akay paakyat
subalit inabutan na ako ng pagod
wala pa man sa kalagitnaan
patungo sa tuktok ng pagkakabalikan

ngayon ay wala nang hahadlang pa
sa pagpapasalida ko paibaba
sa ating bisikleta
na ako lang ang nagdadala

bakit nga ba humantong sa ganoon
ang ating pagsasamahan
mainit pa nung panimula
subalit ngayo'y dama ko na ang kalamigan

kalamigan ng simoy ng pag-iisa
di tulad nung kaangkas kita
puno ng init at maligaya nating binabagtas
ang daan ng kaligayahan

hindi ko na ililiko
ang manibela ng bisikleta
tuloy-tuloy ang pagpapatakbo ko
at kailanmn ay di na babalik pa

narito ako't paibaba na ng burol
bumubulusok at rumaragasa
lilimutin kong pilit ang dahilan
kung bakit ka umangkas sa bisikleta ng iba

based on personal experience? I don't think so.

3 comments:

Anonymous said...

dirediretso ka lang
siguraduhin mo lang
na nakatingin ka
sa dinadaanan mo
wala ng lingunan
:)

-mnel- said...

ang emote naman nito

TanniX said...

XienahGirl, nakatingin naman siguro yung drayber sa dinadaanan niya kaso lang baka mabangga pa din kasi puro luha ang mata!

Mnel, emotero talaga ang writer niyan, kung sino man yun!