Umagang-umaga, nakaramdam na agad ako ng kabagutan. Malapit na ang araw ng paghuhukom. Ilang sandali na lamang at kulang na sa dalawang tulog ay malapit na akong maghakot ng mga gamit ko dito sa aking cubicle upang iuwi sa amin at gawing palamuti. Mga papel na maaaring ipampalingas sa uling ng inihaw. Mga binder na maaaring paglagyan ng mga assignment ng mga bata. Mga papel, at marami pang papel.
Mamamaalam na ako sa magandang tanawin na kaharap ko ngayon. Sa sinag ng araw na dama ko pa din ang init sa kabila ng bintanang may shading. Ang mga tuktok ng mga matatayog na gusaling maaaring maging sunod kong opisina. Nais kong pasalamatan ang mga ulap, sa tuwing dadaan sila sa makakapal na lupon, napapayapa ang aking isipan. Sa bawat pagdagsa nila at paglikha ng kakaibang mga hugis, nawawala ang lahat sa aking kamalayan. Ang lahat ng dapat kong inaalala ay nagiging isang karagatang malawak at walang anumang bahid ng pag-alon. Tahimik. Payapa.
Napaloob nanaman ako sa ritwal ko dito sa umaga sa tuwing dadating ako sa opisina at mauupo sa aking cubicle.
Pipindot ng username at password sa bundy clock, maglalakad patungo sa puwesto ko, ilalapag ang gamit at pipindutin ang power button ng computer.
Sa araw-araw na paglalagi ko dito, kalahati sa panahong iyon ay puno ng pagtatamad.
Multiply.
Friendster.
Blogger.
Forums.
Flash games.
at ang walang humpay na pagtsa-chat sa YM at pakikipag-text.
Yan ang trabaho ko. Binabayaran ako para magcheck ng online community accounts, laruin ang bagong flash games, at maya't-mayang makipagusap sa mga contacts ko sa YM.
Subalit sa araw-araw na ritwal kong ito, mayroon akong nais tanggalin.
Stalking.
Nais kong umiwas sa pahina ng iyong account. Naisin ko mang gawin yun ay tila ba isang malaking pangungutya sa aking sarili. Tila isang malaking batong pamukpok sa aking ulo ang aking hinahanap sa tuwing pinipilit kong huwag ka nang isipin pa at huwag na muling dumako sa pahina mo sa Friendster.
Gustuhin ko mang ilayo ang isipan ko sa mga bagay na may kinalaman sa iyo ay hindi ko ito maisakatuparan. Nariyan pa kasi ang mga alaala ng nakaraan. Ang nakaraan na kapiling natin ang bawat isa sa lahat ng oras. Ang mga ngiting pinagsaluhan natin sa may katagalan ding panahon. Ang bawat luhang naisin man nating pigilan ang pagpatak ngunit tumuloy pa din sa pag-agos. Ang pagbibiruan na nilulubos natin na parang wala nang hahadlang pa at wawakas sa samahan natin.
Narito ako at nakatitig sa Friendster profile mo. Pero hindi ko siya maaaring galawin. May paalala sa bandang sulok na pribado daw ito at makikita lamang kung isa ako sa iyong mga kaibigan.
Wala akong Friendster account. Ayoko nang magrehistro pa para lamang sa iyo. Para saan pa ito kung ang litrato lamang na makikita ko doon ay ang mukha ninyong dalawa, masaya at binabalot ng ngiting punung-puno ng kagustuhan ninyo sa piling ng bawat isa.
Hindi ko naman nais na sundan pa ang mga bakas na iiwanan ninyo bilang magkasintahan. Sapat na akin ang magmasid sa malayo, at paminsan-minsa'y makapagpadala ng text message ng simpleng pangangamusta.
Sarili ko lamang ang may kadahilanan sa mga bagay na nawala sa atin. Ang aking pagpapalipas ng oras na mahalaga. Ang aking pagpapabaya sa noon sana'y mga panahong inintindi ko ang iyong pangungulila. Ngunit ayon sa matandang kasabihan, nasa hulihan ang last. Nasa dulo ang wakas. At narito ngayon sa harapan ko ang malamig na pakiramdam ng pagsisisi. Alam ko ang pagkukulang ko. Sa bawat oras na kailangan ako ay wala ako doon. Hindi ako nakinig. Hindi ako nag-isip. At hindi ako nakaramdam.
Hindi ko nakita ang dapat ay pag-uugnay ng ating damdamin. Sa panahong ako ngayon ang naghahanap ng kasama, wala ka na at lumisan.
Narito ako at nakatitig pa din sa profile mo. Maya-maya ay lumalabo nang unti-unti ang screen ng computer.
Pumikit ako at naramdaman ko ang mga patak na bumagsak sa aking kamay. Dahan-dahan silang bumubuhos. Kasabay ng mga pagdating ng mga patak ng ulan na dulot ng ulap na kanina pa palang nasa harap ko. Hindi ko sila napansing dumating.
Kasabay ng paglisan ko sa trabaho, naroon din ang paglisan mo sa aking puso.
Kung kailanman ako makatagpo ng bagong trabaho, doon na lamang ako muling dadalaw sa pahina mo sa Friendster.